Sunday, August 21, 2011

AKO .I. AKO

Sino si ako? siyempre si ako ay si ako kasi si ako ay laging si  ako. Sa tuwing ako ay nagbloblog, lagi kong iniisip ay kung sino si ako. Pero sino nga ba si ako? Sa tingin ko, me lang din ang makakasagot ng tanung kong ito kasi si ako lang nman ang nakakakilala ng "AKO". Kung tutuusin lagi kong kasama ay si "AKO"(alangan namang iwan ko si AKO!).

Kapag kumakain, ang lagi kong kasabay ay si AKO. Maging sa pagtulog ay laging si AKO ang katabi ko. Sa panunuod, si AKO din kasama ko. Kahit nga pumasok ako, e si AKO lagi ang nagtuturo sakin kaya kahit papanu nakakasagot me sa papel. Pati sa CR, alam kong kasama ko parin si AKO kaya nga alam niya lahat ng ginagawa ko sa loob e. Kahit nga sa simpleng pag-upo e kasama ko rin si AKO. Isa pa, pati nga pag NAINLAB me e si AKO unang nakakaalam.

Kelan kaya mawawala si AKO sa piling ko? (ano mangyayari sakin pag nawala si AKO?) HAy! sanay na kong kasama siya. hehe

((: Sana kung sino yung LIFETIME ko e matanggap niya KUNG SINO SI AKO.

No comments:

Post a Comment